Proyekto sa Filipino
Pagsusuri ng Aklat
Ipinasa kay: Prof. Angeles E. Ysmael
Ipinasa nila: Jhoanna
Marie E. Amen
Pearl Joy N. Ochavillo
Mariz T. Ombajin
A MUSLIM’S ROMANTIC JOURNEY
Talambuhay ng Awtor
Siya ay may pet name na
KittyCrackers pinanganak at nabuhay sa United Kingdom. Ang kanyang mga
paboritong laro ay football kasama ang kanyang kapatid na lalake, tito at
kapitbahay. Isa siyang babae pero may
pusong lalake o isang tomboy pero unti unti siyang nagbago hanggang sa
naging pusong babae na siya pero naglalaro parin siya ng football dahil ito daw
ang nagpapasaya sa kanya. Ang buhay niya ay karaniwan lamang sa nakakarami na
kung saan may kasiyahan at kalungkutan sa buhay.
Nagawa niya ang kwentong ito
dahil gusto niya ang mga batang muslim
ay matutong umibig na hindi nagkakasala dahil marami na siyang nabasang mga
kwento sa mga muslim na nagkakasala ng dahil lang sa pag ibig at gusto niyang
mabuhayan ng loob ang kanyang mga kapatid na muslim na ang pagmamahal ay hindi
kailangan magkasala o kailangang gumawa ng mga haram. Isa siyang mabuting
muslim na sumusunod sa mga kaugalian nila ng tapat at totoo.
Paliwanag sa Pamagat
Ng isulat niya ang mga
kabanata ng kwentong ito at ng ipalathala niya ito sa Wattpad at ang unang
niyang naisip bilang pamagat ng kwento ay ang A Muslim’s Romantic Journey balak
niya sana palitan ito pero ng kalaunan nagustuhan nadin niya ang pamagat dahil
patungkol naman ito sa kung paano dapat umibig ang totoong muslim.
Tunggalian
Ang kwentong ito ay
sarili laban sa sarili kung saan si Safia ay may pagdududa sa kanyang sarili
dahil sa parati nalang siyang nababaliwala ng mga lalaking napamahal sa kanya
dahil mas napapansin ang mas maganda niyang pinsan na si Hafsa katulad din ni
Safia si Yusuf ay may mga pagdududa sa kanyang sarili dahil sa kanyang problema
sa paa at dahil hindi siya napapagmalaki ng kanyang ina. Nagnanais na sana maging
ibang tao nalang sila katulad ng taong mas hinahangaan nila.
Tagpuan
Bahay ni Safia
Bahay ni Yusuf
Dar Ul Loom- Lugar kung saan nagbahagi
ng aral si Sheikh Khalid Yasin sa pagiging mabuting asawang muslim sa kanilang
mga kabiyak.
Mga Tauhan
Safia- ang pangunahing karakter, 20
taon gulang na nasa pangalawang taon na sa kolehiyo.
Ang Pamilya ni Safia
Hamza- 22 taon gulang na kapatid ni Safia.
Hafsa- kapatid ni Safia na gustong
pakasalan ni Abubakar.
Ina at ama ni Safia- nasa 45 hanggang
taon gulang.
Yahya at Asma- ang ama at ina ni Hafsa
at malapit na Tito at Tita ni Safia.
Aisha-ang nakatatandang kapatid ni
Safia na 26 taon gulang na.
Mga anak ni Aisha
Musa- 6 taon gulang
Sara- 4 taon gulang
Zidan- 9 na buwan palang
Zayna- ang nakakabatang kapatid ni
Safia na16 taong gulang palang.
Amaan- ang kapatid na lalake ni Safia
na anak ng Tito Yahya sa relihiyong Islam.
Faiza- nakakabatang kapatid ni Hafsa,
pinsan ni Safia.
Samiya-13 taong gulang, ang pinakabatang
kapatid ni Hafsa.
Mga Kaibigan ni Safia
Amy- 21 taong gulang isang German
convert.
Layla- 21 taong gulang na nagkaroon na masayang
buhay sa piling ng kanyang asawa.
Abubakar- ang crush ni Safia na
tinatawag nilang “cake”.
Yusuf- ang lalaking may brown na bigote
na 23 taong gulang na may gusto kay Safia na tinatawag niyang “pirate”. Siya ay
nakapagtapos ng kanyang Alim course.
Juweria/Jerry- ang ina ni Yusuf na 45
taong gulang na.
Javed- ang kapatid ni Yusuf na mas
pinagmamalaki ng kanyang ina kaysa sa kanyang sa kanya.
Maryam- kapatid na babae ni Yusuf.
Aliya-kaibigan ni Maryam.
Mga Teorya
·
Romantisismo
“The thing I loved about
the elders in my family was their love of Islam over culture”
Ito ang nasabi ni Safia
patungkol sa kanyang pamilya kung paano nila binibigyan ng kahalagahan ang
kanilang relihiyon na hindi na siya dapat pang mag alala dahil ang kanyang
pamilya ay pipili ng lalaking totoong magmamahal sa kanya pati nadin sa
kanilang mga paniniwala bilang isang mabuting muslim.
·
Pilosopikal (bisa sa damdamin)
“I wasn’t jealous. With
jealousy comes hatred and I could never hate Hafsa, I just wished I was more
like her”
Dahil sa sobrang pagkalungkot ni Safia ng mas pinili ng pamilya ni
Abubakar si Hafsa kaysa sa kanya hindi niya napigilan ang pagkainggit niya sa
kanyang pinsan na mula noon paman ay mas gusto na ng mga lalake dahil sa maganda nitong kutis,
magandang mata na para bang nakamake up kahit na wala naman. Pero kahit na
naiinggit siya rito hindi niya parin kayang magalit sa pinsan dahil sa napakapabuti
nito sa kanya na pinagtanggol pa siya at sinabihan si Abubakar na “You don’t
deserve Safia!, she is one of a kind but you just wasted her love for you!” at
dahil nagalit nadin si Hafsa kay Abubakar ay hindi din niya ito tinanggap ang
alok ng kasal ni Abubakar.
Buod
Bata pa lang si Safia pangarap na niyang makasal sa taong mahal niya.
Sinikap niyang maging mabuti para sa kanyang paniniwala bilang Muslim at maging
mabuting asawa sa kanyang kabiyak. Kilala na niya noon pa man si Abubakar ang
dati niyang crush at sa di inaasahang pagkakataon may lalaking bumisita sa
kanilang bahay kasama ang kanyang Ina, noong una pa man makasama ni Yusuf si
Safia kahit hindi niya ito nakita alam na niyang may kakaiba siyang nararamdam
sa dalaga kaya kinaibigan niya ang kapatid nito na si Hamza. Sa kagustuhan din
ni Hamza na mahanapan ng mabuting kabiyak ang kanyang kapatid ay kinaibigan din
niya ito at boto siya kay Yusuf. Laking gulat nalang nila ng malaman na itatakdang ikasal si Safia kay Abubakar.
Tuwang tuwa si Safia ng malaman niya na may gusto pala sa kanya si Yusuf at
ikakasal siya sa crush niya noon paman, ng malaman niya na may dalawang lalake
ang may gusto sa kanya pakiramdam niya tuloy napakaganda na niya.
Pero ng dumating ang araw na pumunta ang pamilya ni Abubakar kina Safia
labis na nasaktan si Safia sa kanyang nalaman na ang gusto palang pakasalan ni
Abubakar ay si Hafsa ang pinsan ni Safia. Nainggit si Safia sa ganda ni Hafsa
pero hindi niya kayang magalit dito dahil sa pinagtanggol pa siya nito kay
Abubakar. Tunay ang pagmamahal ni Safia kay Hafsa at ganun din ito sa kanya
kaya hindi niya tinanggap ang alok ni Abubakar na mapakasal siya rito.
Samantalang si Yusuf naman ay nabuhayan ng loob ng malaman niyang hindi
natuloy ang kasal ni Safia kay Abubakar. Niligawan niya ito gamit ang sulat na
pinapadala sa tulong ni Hamza hanggang sa naging malapit sila sa isa’t isa pero
nagkasundo sila na hindi muna nila makikita ang isa’t isa hanggang matapos ang
Nilkah pero ang Ina naman ni Yusuf ay medyo hindi boto kay Safia dahil sa
napakasimple nito gusto kasi ng mama ni Yusuf yung moderno at sunod sa uso na
maipagmamalaki niya sa kanyang mga kaibigan katulad ni Javed na kapatid ni
Yusuf. Pero wala paring nagawa ang Ina ni Yusuf dahil porsigido itong pakasalan
si Safia. Hanggang sa ikasal sila at nakita nila ang isa’t isa sa kabila ng
pagiging hindi perpekto minahal parin nila ang isa’t isa at hindi nila
tiningnan ang mga mali at kulang kundi mas minahal nila ito ng buong puso at
naging tapat sila sa isa’t isa pati nadin sa kanilang paniniwala bilang
mabuting Muslim.
Sanggunian
KittyCrackers (2013). A
Muslim’s Romantic Journey kinuha
noong September 5, 2014 galing sa www.wattpad.com/35991122-a-muslim%27s-romantic-journey-chapter-12/page/3.
Wenn Chubz (2012). Mga
Listahan ng Sanggunian kinuha noong September 7, 2014galingsahttp://wennlistahanngsanggunian.blogspot.com/2012/01/listahan- ng-sanggunian.html.