Popular Posts

Saturday, February 25, 2017

Pagsusuri ng Aklat (A MUSLIM’S ROMANTIC JOURNEY)

Proyekto sa Filipino
Pagsusuri ng Aklat







Ipinasa kay:  Prof. Angeles E. Ysmael
Ipinasa nila: Jhoanna Marie E. Amen
                     Pearl Joy N. Ochavillo
                     Mariz T. Ombajin

A MUSLIM’S ROMANTIC JOURNEY

Talambuhay ng Awtor
Siya ay may pet name na KittyCrackers pinanganak at nabuhay sa United Kingdom. Ang kanyang mga paboritong laro ay football kasama ang kanyang kapatid na lalake, tito at kapitbahay. Isa siyang babae pero may  pusong lalake o isang tomboy pero unti unti siyang nagbago hanggang sa naging pusong babae na siya pero naglalaro parin siya ng football dahil ito daw ang nagpapasaya sa kanya. Ang buhay niya ay karaniwan lamang sa nakakarami na kung saan may kasiyahan at kalungkutan sa buhay.
Nagawa niya ang kwentong ito dahil gusto niya  ang mga batang muslim ay matutong umibig na hindi nagkakasala dahil marami na siyang nabasang mga kwento sa mga muslim na nagkakasala ng dahil lang sa pag ibig at gusto niyang mabuhayan ng loob ang kanyang mga kapatid na muslim na ang pagmamahal ay hindi kailangan magkasala o kailangang gumawa ng mga haram. Isa siyang mabuting muslim na sumusunod sa mga kaugalian nila ng tapat at totoo.

Paliwanag sa Pamagat
Ng isulat niya ang mga kabanata ng kwentong ito at ng ipalathala niya ito sa Wattpad at ang unang niyang naisip bilang pamagat ng kwento ay ang A Muslim’s Romantic Journey balak niya sana palitan ito pero ng kalaunan nagustuhan nadin niya ang pamagat dahil patungkol naman ito sa kung paano dapat umibig ang totoong muslim.



Tunggalian
Ang kwentong ito ay sarili laban sa sarili kung saan si Safia ay may pagdududa sa kanyang sarili dahil sa parati nalang siyang nababaliwala ng mga lalaking napamahal sa kanya dahil mas napapansin ang mas maganda niyang pinsan na si Hafsa katulad din ni Safia si Yusuf ay may mga pagdududa sa kanyang sarili dahil sa kanyang problema sa paa at dahil hindi siya napapagmalaki ng kanyang ina. Nagnanais na sana maging ibang tao nalang sila katulad ng taong mas hinahangaan nila.

Tagpuan
Bahay ni Safia
Bahay ni Yusuf
Dar Ul Loom- Lugar kung saan nagbahagi ng aral si Sheikh Khalid Yasin sa pagiging mabuting asawang muslim sa kanilang mga kabiyak.

Mga Tauhan
Safia- ang pangunahing karakter, 20 taon gulang na nasa pangalawang taon na sa kolehiyo.
Ang Pamilya ni Safia
Hamza- 22 taon gulang na kapatid ni Safia.
Hafsa- kapatid ni Safia na gustong pakasalan ni Abubakar.
Ina at ama ni Safia- nasa 45 hanggang taon gulang.
Yahya at Asma- ang ama at ina ni Hafsa at malapit na Tito at Tita ni Safia.
Aisha-ang nakatatandang kapatid ni Safia na 26 taon gulang na.
Mga anak ni Aisha
Musa- 6 taon gulang
Sara- 4 taon gulang
Zidan- 9 na buwan palang
Zayna- ang nakakabatang kapatid ni Safia na16 taong gulang palang.
Amaan- ang kapatid na lalake ni Safia na anak ng Tito Yahya sa relihiyong Islam.
Faiza- nakakabatang kapatid ni Hafsa, pinsan ni Safia.
Samiya-13 taong gulang, ang pinakabatang kapatid ni Hafsa.
Mga Kaibigan ni Safia
Amy- 21 taong gulang isang German convert.
Layla- 21 taong gulang na nagkaroon na masayang buhay sa piling ng kanyang asawa.

Abubakar- ang crush ni Safia na tinatawag nilang “cake”.
Yusuf- ang lalaking may brown na bigote na 23 taong gulang na may gusto kay Safia na tinatawag niyang “pirate”. Siya ay nakapagtapos ng kanyang Alim course.
Juweria/Jerry- ang ina ni Yusuf na 45 taong gulang na.
Javed- ang kapatid ni Yusuf na mas pinagmamalaki ng kanyang ina kaysa sa kanyang sa kanya.
Maryam- kapatid na babae ni Yusuf.
Aliya-kaibigan ni Maryam.
Mga Teorya
·         Romantisismo
“The thing I loved about the elders in my family was their love of Islam over culture” 
Ito ang nasabi ni Safia patungkol sa kanyang pamilya kung paano nila binibigyan ng kahalagahan ang kanilang relihiyon na hindi na siya dapat pang mag alala dahil ang kanyang pamilya ay pipili ng lalaking totoong magmamahal sa kanya pati nadin sa kanilang mga paniniwala bilang isang mabuting muslim.
·         Pilosopikal (bisa sa damdamin)
“I wasn’t jealous. With jealousy comes hatred and I could never hate Hafsa, I just wished I was more like her”
Dahil sa sobrang pagkalungkot ni Safia ng mas pinili ng pamilya ni Abubakar si Hafsa kaysa sa kanya hindi niya napigilan ang pagkainggit niya sa kanyang pinsan na mula noon paman ay mas gusto na ng  mga lalake dahil sa maganda nitong kutis, magandang mata na para bang nakamake up kahit na wala naman. Pero kahit na naiinggit siya rito hindi niya parin kayang magalit sa pinsan dahil sa napakapabuti nito sa kanya na pinagtanggol pa siya at sinabihan si Abubakar na “You don’t deserve Safia!, she is one of a kind but you just wasted her love for you!” at dahil nagalit nadin si Hafsa kay Abubakar ay hindi din niya ito tinanggap ang alok ng kasal ni Abubakar.




Buod
Bata pa lang si Safia pangarap na niyang makasal sa taong mahal niya. Sinikap niyang maging mabuti para sa kanyang paniniwala bilang Muslim at maging mabuting asawa sa kanyang kabiyak. Kilala na niya noon pa man si Abubakar ang dati niyang crush at sa di inaasahang pagkakataon may lalaking bumisita sa kanilang bahay kasama ang kanyang Ina, noong una pa man makasama ni Yusuf si Safia kahit hindi niya ito nakita alam na niyang may kakaiba siyang nararamdam sa dalaga kaya kinaibigan niya ang kapatid nito na si Hamza. Sa kagustuhan din ni Hamza na mahanapan ng mabuting kabiyak ang kanyang kapatid ay kinaibigan din niya ito at boto siya kay Yusuf. Laking gulat nalang nila ng malaman  na itatakdang ikasal si Safia kay Abubakar. Tuwang tuwa si Safia ng malaman niya na may gusto pala sa kanya si Yusuf at ikakasal siya sa crush niya noon paman, ng malaman niya na may dalawang lalake ang may gusto sa kanya pakiramdam niya tuloy napakaganda na niya.
Pero ng dumating ang araw na pumunta ang pamilya ni Abubakar kina Safia labis na nasaktan si Safia sa kanyang nalaman na ang gusto palang pakasalan ni Abubakar ay si Hafsa ang pinsan ni Safia. Nainggit si Safia sa ganda ni Hafsa pero hindi niya kayang magalit dito dahil sa pinagtanggol pa siya nito kay Abubakar. Tunay ang pagmamahal ni Safia kay Hafsa at ganun din ito sa kanya kaya hindi niya tinanggap ang alok ni Abubakar na mapakasal siya rito.
Samantalang si Yusuf naman ay nabuhayan ng loob ng malaman niyang hindi natuloy ang kasal ni Safia kay Abubakar. Niligawan niya ito gamit ang sulat na pinapadala sa tulong ni Hamza hanggang sa naging malapit sila sa isa’t isa pero nagkasundo sila na hindi muna nila makikita ang isa’t isa hanggang matapos ang Nilkah pero ang Ina naman ni Yusuf ay medyo hindi boto kay Safia dahil sa napakasimple nito gusto kasi ng mama ni Yusuf yung moderno at sunod sa uso na maipagmamalaki niya sa kanyang mga kaibigan katulad ni Javed na kapatid ni Yusuf. Pero wala paring nagawa ang Ina ni Yusuf dahil porsigido itong pakasalan si Safia. Hanggang sa ikasal sila at nakita nila ang isa’t isa sa kabila ng pagiging hindi perpekto minahal parin nila ang isa’t isa at hindi nila tiningnan ang mga mali at kulang kundi mas minahal nila ito ng buong puso at naging tapat sila sa isa’t isa pati nadin sa kanilang paniniwala bilang mabuting Muslim.

















Sanggunian
KittyCrackers (2013). A Muslim’s  Romantic Journey kinuha noong September 5, 2014 galing sa www.wattpad.com/35991122-a-muslim%27s-romantic-journey-chapter-12/page/3.
Wenn Chubz (2012). Mga Listahan ng Sanggunian kinuha noong September 7, 2014galingsahttp://wennlistahanngsanggunian.blogspot.com/2012/01/listahan- ng-sanggunian.html.




No comments:

Post a Comment