I. Layunin
Nagagamit sa pangungusap
ang pang angkop na na, ng at g.
II.
Paksang-Aralin
a. Paksa: Paggamit ng mga Pang-angkop
b.
Sanggunian: Pagdiriwang ng Wikang Filipino pp.197-202
Hiyas
sa Wika, pp.164-168
c.
Kagamitan: tsart, mga larawan ng Heneral Santos
III.
Pamamaraan
Gawain ng Guro
|
Gawain ng Estudyante
|
1. Magdasal
Tayo
ay magdasal, Maaari bang tumayo si Ivy para mangulo sa ating pagdadasal
Thank
you Ivy.
Magandang
Umaga sa lahat!
Bago
maupo ang lahat, maaari bang pakitsek kung merong mga basura sa ilalim ng inyong upuan, pulutin ito at
iayos ang inyong mga upuan.
2. Checking
of Attendance
Ngayon, I tse-tsek natin ang
attendance, mga liders sa bawat pangkat meron ba tayong mga absent?
Pangkat 1.
Pangkat 2.
Pangkat 3.
Pangkat 4.
Mabuti at walang umabsent ngayong
araw na ito.
a.
Balik- Aral
Noong
Miyerkules, napag-usapan natin ang tungkol sa iba’t-ibang klase ng grap.
Ano-ano
ang mga ito?
Tama! Meron pa ba kayong mga
tanong tungkol sa pakikibahagi ng mag anak at ng paaaralan sa barangay.
Kung wala, maaari na tayong
magpatuloy sa ating susunod na paksa.
b.Pagganyak
a.
Paano natatawag na bayani ang isang tao?
b. Ang mga
atleta ba ay maaaring tawaging bayani? Bakit kaya?
b.
Sinu-sino ang mga Pilipinong nakilala sa larangan ng isports?
c. Paglalahad
a. Kilala
niyo ba ang itinuturing na mga bagong bayani? paano?
b. Pagbasa
ng pangganyak na tanong:
1. Bakit
hinangaan si Manny Pacquiao?
2. Bakit
siya tinawag na bagong bayani?
3. Basahin
ang buhay ng ating pambansang kamao.
Tatak Pinoy
Sino ba namang hindi makakakilala sa
pambansang kamao ng Pilipinas na si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala
sa tawag na Manny Pacquiao. Siya ay pinanganak sa Kimbawe, Bukidnon. Mahirap
ang buhay niya noong siya ay bata pa. Naghiwalay ang kanyang mga magulang
noong siya’y nasa ika-anim na baitang. Natapos niya ang kanyang elementarya,
ngunit nahinto naman sa hayskul dahil sa kahirapan. Iniwan niya ang kanyang
buhay sa lungsod ng Heneral Santos upang makahanap ng trabaho sa Maynila sa
edad ng labing-apat.
Sinimulan niya ang kanyang karera sa
boksing bilang isang miyembro ng Philippine National Amateur Boxing Team.
Hanggang sa napanalunan niya ang pinakaunang World Title niya sa larangan ng
boksing. Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala sa buong mundo at
labanan pa ang ibang mga boksingero sa tulong ng kanyang trainor na si
Freddie Roach. Natalo niya sina Shane Mosley, Antonio Margarito, Erik Morales,
Joshua Clottey.
Maliban sa kanyang pagboboksing ay
coach na din siya ngayon sa basketball, umaawit, isang kongresista at isa ng
senador ngayon. Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating mahirap
na taga Heneral Santos. Isa siya tunay na halimbawa na matapang, masipag at
may takot sa Panginoon. Tunay na dapat hangaan ngayon ng mga batang Pilipino.
Pangkatang
Gawain
Hatiin
ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may nakalaang gagawin.
Gawain
1:
Gumawa
ng dula na nagpapakita ng pagboboksing ni Manny Pacquiao at kong sinu-sino
ang natalo niya.
Gawain 2:
Pumili
ng kanta ni Manny Pacquiao at kantahin ito sa klase.
Gawain
3:
Iguhit
ang mga nagawa ni Manny Pacquiao sa bansa.
e. Pagtatalakay
A.
Pagsagot sa mga tanong at paggawa ng mga nakalaang gawain.
1.
Sino ang tinutukoy sa sanaysay?
2.
Sa anong larangan sikat si Manny Pacquiao? At sinu-sino ang mga nakaaway siya
sa larangan ito?
Pangkat
1 ipakita ang inyong pagsasadula.
3.
Maliban sa pagboboksing ano pa ang ginagawa ni Manny Pacquiao?
Pangkat
2 at 3 ipakita ang nagawa ni Manny Pacquiao.
4.
Sino ang tumulong kay Manny Pacquaio sa larangan ng pagboboksing?
5.
Bakit karapat dapat na hangaan ng mga batang Pilipino si Manny Pacquiao?
Basahin
at suriing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang.
1.
Mahirap ang buhay niya noong siya ay bata pa.
2
Kinuha niya itong oportunidad na maging kilala sa buong mundo at labanan pa
ang ibang mga boksingero.
3.
Talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng dating mahirap na taga Heneral
Santos.
Sa
unang bilang sa anong letra nagtatapos ang salitang noon?
Sa
pangalawang bilang naman anong dalawang salita ang pinag-uugnay ng kataga o
pantig na na?
Sa
anong titik nagtatapos ang oportunidad?
Sa
pangatlong bilang naman sa anong letra nagtatapos ang talaga at dati?
Ano
kaya sa tingin ninyo ang natutulong ng g, ng at na sa
pangungusap? Anong tawag sa kanila? kailan kaya ginagamit ang g, ng
at na?
Paglalahat
·
Pang-angkop
ang tawag sa mga kataga, pantig o titik na g, ng at na
na ginagamit upang pag ugnayin ang isang salita sa iba pang salita sa
pangungusap nang maging tuluy-tuloy at madulas ang pagbigkas sa mga ito.
·
Ang
pang-angkop na na ay ginagamit sa pag ugnay ng mga salitang nagtatapos
sa katinig maliban sa titik n.
Halimbawa: oportunidad na
maging kampeon
mataas na pangarap
·
Ang
pang-angkop na ng ay ginagamit sa pag-uugnay ng mga salitang
nagtatapos sa patinig (a, e, i, o, u).
Halimbawa: Talagang matapang
muling sumibol
·
Ang
pang-angkop na g ay ginagamit sa pag uugnay ng mga salitang nagtatapos
sa titik n.
Halimbawa: noong siya ay bata
pa
kaugaliang Pilipino
.
Pagsasanay
Pag-ugnayin ang dalawang salita
gamit ang tamang pang-angkop.
1. inakay___sisiw
2. marahas___hakbang
3. mapula____mata
4. ibon___maliit
5. maganda___pangarap
Pangwakas
na Gawain
Basahin
ang sumusunod na pangungusap at salungguhitan ang mga pang-angkop na ginamit.
1.
Sa ulang tikatik, daa’y nagpuputik.
2.
Ang tubig na maingay ay mababaw.
3.
Ang malinis na puso ay pinagpapala.
4.
Pagkalipas ng dilim, laging may umaga
5.
Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
|
Tayo
ay magdasal. Almighty God… (Pupil’s Prayer)
Magandang
Umaga din po binibining Mariz!
(Kukunin
ng mga estudyante ang mga papel at uupo ng maayos sa upuan)
Wala
pong absent sa pangkat namin binibining mariz!
Wala
pong absent sa pangkat namin binibining mariz!
Wala
pong absent sa pangkat namin binibining mariz!
Wala
pong absent sa pangkat namin binibining mariz!
Ito
ay ang circle grap, line grap, pictograp at bar grap.
Wala
na po maam
Natatawag
na bayani ang isang tao kung meron siyang nagawang kahanga-hanga para iangat
ang moral ng bawat Pilipino.
Opo
ma’am, kasi nagbibigay sila ng karangalan sa kanilang pinanggalingan.
(Ang
mga bata ay sasagot)
Si
Manny Pacquiao
Dahil
sa galing niya sa pangboboksing.
Tinawag
siya na bayani dahil sa inangat niya ang bandila ng Pilipinas sa ibang lugar
para mas maging kilala pa tayo sa ibang bansa.
Meron mga bata na magbabasa ng sa buhay
ng pambansang kamao.
Bibigyan ang bawat pangkat na10
minuto para ihanda ang nakalaang gagawin nila.
Pagkataposng oras ay ipakikita ito
sa mga kaklase.
Ang tinutukoy sa sanaysay ay ang
pambansang kamao na si Manny Pacquiao.
Pangkat
1 ipapakita ang kanilang pagsasadula.
Pangkat
2 at 3 ipapakita ang mga nagawa ni Manny Pacquiao.
Ang tumulong kay Manny Pacquiao ay
si Coach Freddie Roach.
Karapat dapat siya na hangaan
sapagkat siya ay mabuting ehemplo para sa mga kabataan na wag isuko ang mga
pangarap at kung naabot na ang mga pangarap ay manatiling nakaapak sa paa at
marunong parin tumingala sa taas para magpasalamat.
Sa unang bilang nagtatapos sa
letrang n ang salitang noon.
Sa
pangalawang bilang naman ang dalawang salita na pinag-uugnay ng kataga o
pantig na na ay oportunidad at maging kilala.
Ang
salitang oportunidad ay nagtatapos sa titik d.
Sa
pangatlong bilang naman nagtatapos ang sa letrang a ang sa talaga at i naman
sa dati.
1
inakay na sisiw
2.
marahas na hakbang
3.
mapulang mata
4.
ibong maliit
5.
magandang pangarap
1.
Sa ulang tikatik, daa’y nagpuputik.
2.
Ang tubig na maingay ay mababaw.
3.
Ang malinis na puso ay pinagpapala.
4.
Pagkalipas ng dilim, laging may umaga
5.
Walang mang-aalipin kung walang paaalipin.
|
IV. Pagtataya
Salungguhitan
ang dalawang salitang pinag-ugnay ng pang-angkop. Bilogan naman ang mga
pang-angkop na ginamit.
1. Marunong sumayaw ang bata.
2. Mabuting anak ang mga iyon.
3. Masayang-masaya ang mag-anak.
4. May dalawang anak si Aling Ester.
5. Laging nangunguna sa klase si Dinah.
6. Nakatapos ng pag-aaral ang mga anak nila.
7. Gayundin ang nadaramang ligaya ng mag-anak.
8. Umuwing masayang-masaya ang mga panauhin.
9. Naghahanda ng munting salu-salo ang mag-anak.
10. Sinasabitan ng medalyang ginto ang matatalinong
mag-aaral.
V. Takdang Aralin
Lagyan ng wastong pang-angkop ang
patlang.
Ang klorina na isa___kemikal
___ipinananlinis ng inumin___ tubig ay mahalaga___ pantab_____pagkain ng mga
niyog na makakatulong ng lahi ng ani at pinangangalagaan ang mga dahon ng niyog
sa impeksyon at pinatitibay din ang halaman___ ito laban sa tagtuyot.
MARAMING SALAMAT, BIG HELP PO TALAGA. GOD BLESS
ReplyDeleteMaraming salamat po, maagagamit ko po ito sa aking classroom observation
ReplyDeleteMayroon po ba kayo para sa pang-ukol?
ReplyDeletethank you
ReplyDeleteano po pweding pang gayak sa pang - angkop
ReplyDeleteMaraming salamat po.
ReplyDeleteMaraming salamat! God bless po
ReplyDeleteSalamat po dito malaking tulong po saakin🥰🥰
ReplyDeleteSalamat at nagkaroon ako ng ideya sa aking gagawing demo...
ReplyDelete